Hinimok ni Senador Francis “Tol” N. Tolentino ang Department of Health (DOH) na bakunahan na ang mga kwalipikadong Pinoy na tumutuloy ngayon sa mga evacuation centers sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Sa panayam ni Tolentino sa DZRH, binigyang diin ng senador na ito ang tamang panahon para samantalahin ang pagkakataon na mabakuhanan ang maraming Pinoy na tumutuloy ngayon sa mga evacuation centers.

Sa huling datos na inilabas ng NDRRMC ngayong araw, pumapalo na sa 174,010 na pamilya ang pansamantalang tumutuloy ngayon sa mga evacuation centers habang nasa 14,329 na pamilya naman ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

“Samantalahin na po ito ng Department of Health, ang mga kababayan natin sa Naga, Cebu, Talisay, Cebu, sa Bohol ay nasa evacuation centers, samantalahin na po ‘yan para magbakuna sa evacuation centers, hindi na natin iintayin ang Miyerkules pa para magpalista ulit, nasa evacuation centers na sila sama-sama na doon na natin bakunahan,” sabi ni Tolentino.

Sa huling datos na inilabas ng gobyerno, nasa higit 100 milyong Pinoy na ang nabakuhanan kontra COVID-19 simula ng magsimula ang vaccine rollout sa bansa nitong Marso. (Dindo Matining)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Tolentino sa DOH: Kwalipikadong Pinoy na nasa evacuation site bakunahan na! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tolentino-sa-doh-kwalipikadong-pinoy-na-nasa-evacuation-site-bakunahan-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tolentino-sa-doh-kwalipikadong-pinoy-na-nasa-evacuation-site-bakunahan-na)