Si Arvin Tolentino ang naging surpresa para sa Barangay Ginebra kaya naman hawak ngayon ng koponan ang 3-0 kartada sa PBA Governors Cup.

Bumida ang 26-anyos na si Tolentino sa huling dalawang laro ng Ginebra laban sa Northport at Phoenix.

Kontra Batang Pier, kumana si Tolentino ng 16 points tampok ang apat na tres kaya naman nagwagi ang Ginebra, 108-82.

At sa dikitang laban ng Ginebra kontra Phoenix, kumamada ang dating FEU Tamaraw ng 20 points para sa kanyang career-high, kaya naman naibulsa nila ang panalo sa overtime, 125-121.

Dahil sa dalawang magkasunod na matikas na laro ni Tolentino ay siya ang tinanghal na PBA player of the week para sa period na Disyembre 15-19.

Umangat din ang playing time ni Tolentino dahil injured sina Joe Devance, Stanley Pringle, Jared Dillinger at Aljon Mariano.

The post Tolentino umaangat na laro sa Ginebra first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tolentino-umaangat-na-laro-sa-ginebra/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tolentino-umaangat-na-laro-sa-ginebra)