Dahil sa bagyong Odette ay stranded si Tom Rodriguez sa Cebu.

Sa Instagram post ni Tom, pinakita niya ang larawan ng Cebu matapos na salantain ng malakas na bagyo ang lugar.

Sinabi ni Tom, hindi umano siya makapag-reply dahil sa wala pa ring signal at wifi.

“I’m sorry I haven’t been able to reply to everyone, phones are still down and wifi spotty. But I am physically fine,” caption ng aktor.

“Marami sa kanila nawalan ng bahay at walang pagkain at tubig. I am in awe with the Cebuano spirit na nagkaisa lahat kagabi sa hotel to make sure the doors don’t give in para magflood sa loob at magcause ng panic,” dagdag pa nito.

Pinasalamatan naman ni Tom ang mga kababayan na tumutulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

“Grateful din na maraming mga kababayan natin dito ang tumutugon sa pangangailangan ng mga kapatid nating nasalanta. Praying for a speedy recovery for Cebu, our fellow Cebuanos at sa lahat ng mga nasalanta ni Odette sa buong Pilipinas,” saad pa nito.

The post Tom Rodriguez stranded sa Cebu dahil sa bagyong Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tom-rodriguez-stranded-sa-cebu-dahil-sa-bagyong-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tom-rodriguez-stranded-sa-cebu-dahil-sa-bagyong-odette)