Trending si Tristan Thompson pero wala itong kinalaman sa basketball.

Ito ay dahil nakabuo umano ang Sacramento Kings forward ng Baby No. 3.

Ibinunyag ng personal trainer na si Maralee Nichols, 31, na ang NBA star ang ama ng kanyang baby boy na isinilang noong Huwebes.

Pinipilit pa raw siya noon ni Thompson na ipalaglag ang sanggol.

Nabuo raw ang baby sa isang Houston hotel sa celebration ng 30th birthday noong March ni Thompson.

Noong panahon na ‘yun, karelasyon ni Thompson si Khloe Kardashian, ang ina ng kanyang three-year-old daughter na si True.

Ayon sa TMZ report, sinabi ni Nichols na inalok siya ni Thompson ng $75,000 para manahimik tungkol sa baby.

Sa ngayon ipinaglalaban ni Nichols na makakuha ng child support kay Thompson.

Hindi ito ang unang beses na naharap sa cheating scandal ang dating top defender ng Cleveland Cavaliers.

Nag-trending din noon ang basketbolista matapos makunan ng video habang may kahalikang ibang babae sa isang club sa New York.

Karelasyon niya rin noon si Kardashian.

Dahil dito, binansagan siyang “serial cheater” ng mga netizen.

The post Tristan Thompson tinawag na ‘serial cheater’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tristan-thompson-tinawag-na-serial-cheater/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tristan-thompson-tinawag-na-serial-cheater)