Pinagpiyestahan agad si Joshua Garcia sa unang pag-upload niya ng kanyang TikTok video nitong Lunes.

Ilang segundo lang na umindak si Joshua sa saliw ng tugtog na “Ginseng Strip 2002″ ngunit umani agad ito ng mahigit 1.7 milyon na like.

Gayundin, mahigit 8.8 milyon beses na rin itong na-play ng mga TikTok user.

Verified na rin agad ang TikTok account ng aktor at may mahigit 619,000 follower sa kasalukuyan.

“Hi nagbebenta po ako ng SD Card, baka gusto mong gumawa ng memories with me?” komento ng TikTok sensation na si Esnyr Ranollo.

“Oh tapos na pila, magsihugas na kayo ng pinggan at maglinis,” komento ni Alex Gonzaga.

“Tabi ako na ‘to ser Joshua, you need water?” saad naman ni Mimiyuuuh.

Narito ang kabuuan ng TikTok video ni Joshua:

@iam.joshuagarcia

but you know i stay HAHAH #fyp

♬ GInseng Strip 2002 – calf

The post Unang TikTok pa lang! Joshua Garcia trending agad first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/unang-tiktok-pa-lang-joshua-garcia-trending-agad/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=unang-tiktok-pa-lang-joshua-garcia-trending-agad)