Magpapadala ang pamahalaan ng US ng karagdagang P950 milyon para pantulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon sa statement ng US Embassy sa Maynila ngayong Miyerkoles, ang dagdag na donasyon ay ibibigay sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID).

Magagamit umano ang nasabing halaga para sa pagkain, tubig, hygiene kit at maging para sa tahanan ng mga apektadong residente.

“The United States is pleased to announce additional and significant assistance of Php950 million, which brings our total amount of aid for Typhoon Odette to over Php1 billion. We stand steadfast with our long standing friend, partner, and ally in helping support communities devastated by the typhoon,” wika ni US Embassy Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava.

“This additional assistance will help deliver food and hygiene supplies, and provide life-saving support to those most in need,” dagdag pa nito.

Plano rin umano ni Variava na bisitahin ang ilang komunidad na sinalanta ni Odette.

Nitong linggo ay nagbigay na ang pamahalaan ng US ng P50 milyon para sa mga biktima, na kasunod ng una nilang ibinigay na P10 milyon. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

The post US magbibigay dagdag P950-M para sa biktima ni Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-magbibigay-dagdag-p950-m-para-sa-biktima-ni-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=us-magbibigay-dagdag-p950-m-para-sa-biktima-ni-odette)