Kinakailangan mag-presenta ng vaccination card ng lahat ng dadalo sa Simbang Gabi sa lungsod ng Mandaue.

Ayon sa mga pinuno ng mga simbahang Katoliko sa lungsod, tanging ang mga bakunado lamang ang maaring makapasok sa loob ng simbahan.

Sinabi naman ni Mayor Jonas Cortes, magtatalaga ito ng mga tauhan na magkukumpirma sa mga vaccination card ng mga parokyano.

Samantala, patuloy pa rin ang bakunahan kontra COVID-19 sa lungsod kung saan 70.41 porsyento ng mga residente dito ay fully vaccinated.

The post Vax card kailan mga dadalo sa Simbang Gabi sa Mandaue first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vax-card-kailan-mga-dadalo-sa-simbang-gabi-sa-mandaue/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vax-card-kailan-mga-dadalo-sa-simbang-gabi-sa-mandaue)