Inilabas ng global color authority na Pantone nitong Miyerkoles ang color of the year para sa taong 2022 na tinatawag na Very Peri.

Ito ang unang beses na hindi kumuha ang Pantone ng kulay mula sa kanilang archive para gawing color of the year, at sa halip ay ginawa nila ang Very Peri.

Inilarawan nila ang Very Peri bilang kombinasyon ng asul at kaunting pula.

“It was really important for us to come up with a new color, because we have a very new vision of the world now,” pahayag ni Leatrice Eiseman, executive director ng Pantone Color Institute.

“It is literally the happiest and the warmest of all the blue hues,” dagdag pa niya. “Because of that red undertone, it introduces an empowering feeling of newness, and newness is what we’re looking for.”

Dagdag pani Eiseman ang hinaharap ang siyang sinisimbulo ng Very Peri. (mjd)

The post ‘Very Peri’ tinanghal na 2022 Color of the Year first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/very-peri-tinanghal-na-2022-color-of-the-year/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=very-peri-tinanghal-na-2022-color-of-the-year)