Tinanghal na Miss Grand International 2021 ang pambato ng Vietnam.

Kinoronahan si Nguyen Thuc Thuy Tien sa finals night na ginanap sa Thailand noong Sabado.

Bago nito, sinagot pa nila ni Miss Grand Ecuador ang isang tie-breaker question.

Sina Miss Grand Ecuador, Brazil, Puerto Rico at South Africa ang 1st hanggang 4th runners up, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, wagi si Miss Grand Thailand sa evening gown habang sina Miss Malaysia, Miss Grand Peru, at Miss Grand Angola ang nanalo sa national costume.

Best in swimsuit naman si Miss Grand Puerto Rico.

Nasungkit ni Miss Cambodia ang most popular vote award.

Bigo namang makapasok sa top 20 ang Philippine bet na si Samantha Panlilio.

The post Vietnam candidate waging Miss Grand International 2021! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vietnam-candidate-waging-miss-grand-international-2021/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vietnam-candidate-waging-miss-grand-international-2021)