Sa isang pambihirang aksidente sa Gloucestershire, England, kasamang rumesponde ang bomb squad sa isang pasyente sa ospital dahil napasok umano ang isang parte ng vintage bomb sa pwet nito.

Ayon sa ulat ng Times Now, ang ‘di pinangalanang lalaki ay aksidente nadulas at naupuan ang 57mm shell na mula pa noong World War II. Napasok ito sa kanyang pwet.

Sa takot na sumabog ito, tumawag pa ang mga doktor ng bomb squad para matanggal ito nang maayos.

“The guy said he found the shell when he was having a clear out of his stuff. He said he put it on the floor then he slipped and fell on it — and it went up his a**e. He was in a considerable amount of pain. I think he collected military memorabilia,” saad ng isang source.

Hindi na rin umano sasabog pa ang naturang bomba.

“The item had been removed prior to police arrival and the Explosive Ordnance Disposal team were contacted. They attended and confirmed it was not live and therefore not a danger to the public,” saad pa ng source.

Ang biktima umano ay isang kolektor ng mga military memorabilia. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Vintage bomb sumiksik sa wetpaks ng kelot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vintage-bomb-sumiksik-sa-wetpaks-ng-kelot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vintage-bomb-sumiksik-sa-wetpaks-ng-kelot)