Hinikayat ni Philippine Society of Endocrinology, Diabetes, and Metabolism President Dr. Michael Villa ang mga diabetic na magpabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Villa sa panayam sa One News, wala dapat umano ikatakot ang mga may diabetes na magpabakuna dahil wala umano itong side effect.

“We encourage everyone to get vaccines. This is not a contraindication. Lahat ng tao, pwede. ‘Pag may sugar problem, please have yourselves vaccinated,” saad nito.

Dagdag pa niya na ang mga diabetic ay maaaring magkaroon ng malubhang sintomas kapag nahawaan ng coronavirus.

“We have patients na may diabetes na ‘pag infected with COVID-19, they have worse symptoms; high fever, longer hospital stay, and they develop complications,” ani Villa.

“And meds utilized during COVID will furthur increase blood sugar. So, these are interrelated and we noyiced diabetics have greater hospitalizations.”

Pinaalalahan din ng doktor ang mga diabetic na mag-exercise at kumain ng tama para mapalakas ang resistensya.

The post ‘Wag matakot: Eksperto hinikayat mga diabetic magpabakuna kontra Covid 19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-matakot-eksperto-hinikayat-mga-diabetic-magpabakuna-kontra-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wag-matakot-eksperto-hinikayat-mga-diabetic-magpabakuna-kontra-covid-19)