Inatasan ng World Boxing Organization (WBO) si Johnriel Casimero na magpakita ng katibayan na totoo na isinugod siya sa ospital dahil sa viral gastritis, na siyang naging dahilan kaya hindi natuloy ang kanyang title defense ngayong Sabado.

Matatandaang sa mismong araw ng weigh-in ‘di nakapunta ang WBO bantamweight champion na si Casimero at dinala umano sa American Hospital sa United Arab Emirates (UAE).

Nakatakdang idepensa ni Casimero ang kanyang titulo kay Paul Butler.

Kaya pahayag ng WBO, dapat ipakita ng kampo ng Pinoy boxer ang katibayan ng kanyang naging karamdaman at ang sertipikasyon na siya ay isinugod sa pagamutan.

Kung ‘di ito mapapatunayan ni Casimero ay huhubarin sa kanya ang title belt, at ibibigay sa mananalo sa laban nina Butler at Joseph Agbeko – ang pumalit sa Pinoy. (mjd)

The post WBO kay Casimero: Patunayang totoo sakit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wbo-kay-casimero-patunayang-totoo-sakit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wbo-kay-casimero-patunayang-totoo-sakit)