Hindi pinalagpas ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo na punahin si presidential aspirant at labor leader Leody De Guzman matapos malaman na hindi naman pala ito mahirap kagaya ng inaakala nila.

Ito ay matapos na magpost si Ka Leody sa kaniyang Twitter account ng larawan ng kaniyang pamilya na nagdidiwang ng Pasko.

Makikita kasi sa larawan na maganda ang bahay ng labor leader; nakasuot ng pulang Lacoste ang asawa; at mayroon pa silang corgi na aso, isang mahal na uri ng breed.

Ayon sa mga “Kakampinks” sa larawang ipinakita ni Ka Leody, ito ay indikasyon na siya ay isang impokrito.

“ay akala ko purita to… makakain ng maputlang spag…,” reply ni @LivDunham83 na makikita sa kaniyang profile picture na kabilang siya sa Kakampink.

“Cguro di nila mapupuna yan kung di inumpisahan ni ka leody kung tahimik lang sana xa nangangampanya dinamay pa niya ang maputlang spaghetti na donasyon lang palibhasa di sanay si ka leody kumain ng hindi nag uumapaw sa pulang spaghetti sauce..,” ani naman ni @micai40.

“Yayamanin po ang estado nyo Ka Leody. Yung karamihan sa mang gagawa ay hindi abot kaya ang ganyan,” pahayag naman ni @original_bentot.

” PLASTIKERONG MAPAGKUNWARING NASA LAYLAYAN,” saad naman ni @Kyle_Aesha.

Ilang tagasuporta rin ni VP Robredo ang nagsasabing tigilan na ang pang-ba-bash dahil nasisira ang pangalan ng presidential aspirant sa ginagawa ng ilan. (Sherrylou Nemis)

The post Yayamanin pala! Ka Leody inaway ng ‘Kakampinks’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yayamanin-pala-ka-leody-inaway-ng-kakampinks/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=yayamanin-pala-ka-leody-inaway-ng-kakampinks)