Ikinumpara ni Bohol Gov. Arthur Yap ang hagupit ng bagyong Odette sa naging karanasan nila noong 2013 sa bagyong Yolanda.

Sa panayam ng ANC ngayong Miyerkoles, sinabi ni Yap na maging taga-responde ay apektado ng bagyo kaya’t hirap sila sa rescue at relief operation.

“It’s Yolanda all over again, it’s the first responders being victims again, so who do you call? I had to spent 2 whole days sending people to personally locate each and every mayor in Bohol. Bohol has the most number of LGUs (local government units) and barangays,” wika ni Yap.

Kwento pa ng gobernador, kahit siya ay apektado rin ng bagyo kung saan nalubog din sa baha ang kanyang tahanan.

“All our roads were blocked because trees went down, concrete posts went down… Waters rose after the wind and typhoon left, the rains started washing down from the mountains. I live in Loboc, my 2-storey house was inundated. Whatever clothes I have in my car are the only clothes I have right now,” aniya.

Kaya naman, humiling ang gobernador sa pamahalaan ng agarang tulong upang makabangon ang lalawigan.

Gayundin, humirit si Yap sa mga kompanya ng langis na magpadala ng maraming suplay ng produktong petrolyo.

The post Yolanda part 2: Gov. Yap apektado rin kay Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yolanda-part-2-gov-yap-apektado-rin-kay-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=yolanda-part-2-gov-yap-apektado-rin-kay-odette)