Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ngayong Lunes ang isa pang insidente ng paglusot sa mandatory quarantine kung saan sangkot ang isang Pilipina na galing US.
Ayon kay Puyat, ang bagong insidente ay iniulat sa kanila matapos kumalat ang balita tungkol kay Poblacion girl – ang babae na galing US na lumabas mula sa kanyang hotel quarantine upang maki-party.
“After this [Poblacion girl] incident, somebody gave the name and even gave pictures na the day she arrived, nagpa-masahe pa as in she was even posting it on Instagram stories. Very proud ha na (that) she was skipping quarantine and her name was given and the person who knows her even gave a sworn affidavit. Nahuli na rin ‘yung tao na ‘yon,” saad ni Puyat sa panayam ng CNN, tungkol sa bagong insidente ng paglusot sa quarantine.
“I’ve given it already to the [Bureau of Quarantine] and the [Department of the Interior and Local Government] and I will leave it up to them,” wika ng kalihim.
Ayon pa kay Puyat, sa halip na sa hotel quarantine dumiretso pagdating sa Pilipinas ay sa sariling condominium nagpunta ang naturang Pinay.
“She didn’t even check in a hotel. She just said that she checked in this hotel but it showed that she didn’t even check in a hotel. Dumeretso sa condo niya,” ani Puyat.
Hinimok naman ng kalihim na iulat ang mga mababalitaang paglabag sa health protocol particular ang mandatory quarantine. (mjd)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-pang-pinay-galing-us-lumusot-sa-quarantine-dot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-pang-pinay-galing-us-lumusot-sa-quarantine-dot)
0 Mga Komento