Ang music video ng Baby Shark ang kauna-unahang YouTube video na pumalo sa 10 bilyon views, na dumaig sa iba pang mga viral video sa naturang social media site.
Ayon sa ulat ng CNN, ang naturang video pa lang ang may 10 bilyon views sa YouTube.
Unang inilabas ang video ng Baby Shark noong 2016 na inawit ng Korean-American singer Hope Segoine at isinulat ng Pinkfong, isang South Korean educational company.
Mula rito, ginamit ang naturang awit sa Nickelodeon, theme song ng koponan na Washington Nationals at ginamit bilang pangalan ng cereal.
At sa kabila ng pagiging awiting pambata, nakapasok pa ito sa Billboard Top 40.
Habang isinusulat ang istoryang ito, 10,012,318,983 ang eksaktong bilang ng mga view ng Baby Shark music video.
The post 10-B views! ‘Baby Shark’ pinakapatok na YouTube video first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-b-views-baby-shark-pinakapatok-na-youtube-video/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10-b-views-baby-shark-pinakapatok-na-youtube-video)
0 Mga Komento