Umaabot na sa 9,000 hanggang 10,000 na mga batang edad 5-11 ang nakapagpatala sa Baguio City para sa bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Laging Handa public briefing na maagang nagparehistro ang mga magulang ng mga bata para mabigyan ng proteksyon kontra COVID-19 ang kanilang mga anak.
Maaga aniyang binuksan ng city government ang registration at maganda ang naging pagtugon ng mga mamamayan ng Baguio City sa ilalargang pagbakuna sa mga bata.
“Well, ongoing na iyong aming registration. We started it a month ago pa iyong registration niyan at umaabot na kami ng almost mga 9,000 to 10,000 iyong mga nag-register diyan,” ani Magalong.
Sinabi ng alkalde na naghihintay na lamang sila sa abiso ng National Task Force Against COVID-19 para sa gagawing pagbakuna sa mga bata at sa pagdating ng vaccines sa lungsod.
“So, hinihintay na lang namin iyong pagdating ng Pfizer vaccine. Alam ko kasi — binanggit kasi sa amin na kakaiba iyong formula niyan at it’s a matter of… at hinihintay na lang namin iyong advise ng National Task Force,” dagdag ni Magalong.
Itinakda sa February 4 ang pagbakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 kung saan uunahin muna ang mga bata sa Metro Manila para sa pilot implementation ng bakuna sa mga bata.
The post 10K bata sa Baguio abangers sa COVID bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10k-bata-sa-baguio-abangers-sa-covid-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=10k-bata-sa-baguio-abangers-sa-covid-bakuna)
0 Mga Komento