Kalaboso ang isang magnanakaw dahil sa dalawang alagang aso ng isang pamilya sa Masbate.

Noong Huwebes ng madaling-araw ay tinangkang pasukin ng kawatan ang bahay nina Bebeth Buri, ngunit buti na lang ay inalarma sila ng kanilang aso na sina Roscoe at Smile.

Panay ang tahol at tumitingin sa pintuan ang dalawang aso, at doon napansin ng anak ni Bebeth na mayroong ibang tao sa kanilang tahanan.

Narinig din ng anak na tila may binubuksang zipper kaya agad niyang pinuntahan ang bag ng ama dahil nandoon ang laptop nito.

Ngunit inisip nitong pusa o daga lang ang maingay dahil nandoon pa naman ang laptop.

Patulog na sana sina Bebeth, ngunit ayaw pa raw umalis ng kanilang mga aso na puro tahol, si Roscoe naman ay hindi mapakali sa kusina.

Doon na tumambad ang isang magnanakaw na kanilang nakita sa kabinet malapit sa kanilang lababo.

Nakuha sa kawatan ang isang cellphone, at nalamang pumasok na pala ito sa katabing bahay nina Bebeth para rin magnakaw.

Samantala, pinarangalan naman ng pamilya ang kanilang dalawang aso dahil sa pagpigil sa magnanakaw.

The post 2 doggy bayani, magnanakaw nahuli! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-doggy-bayani-magnanakaw-nahuli/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-doggy-bayani-magnanakaw-nahuli)