Pansamantalang nilimitahan ng dalawang ospital sa Manila ang pagtanggap ng mga pasyente matapos na dumami ang bilang ng mga tauhang nagpositibo sa COVID-19.

Sa isang advisory, sinabi ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH), itinigil nito ang pagpapasok ng mga pasyente bandang alas-8 ng gabi nitong Enero 1, dahil kakaunti lamang ang mga higaan para sa mga pasyenteng may COVID.

“The number of COVID patients is greater than the number of beds. Thus, the hospital must first close so it can send home or transfer other admitted patients to quarantine facilities,” pahayag ng JJASGH.

Dagdag pa ng JJASGH, marami rin sa mga tauhan ng ospital ang nagpositibo sa virus.

Ayon naman sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC), pansamantalang ititigil ang pagpapasok ng mga pasyente sa emergency room nito dahil sa pagtaas ng bilang ng may COVID-19 sa mga empleyado.

“All incoming patients shall still be evaluated and transferred to other city hospitals,” paliwanag ng GABMC

Ang lumalaking bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus ang nagtulak sa gobyerno na muling ilagay ang Metro Manila sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15.

The post 2 ospital nilimitahan pagtanggap ng pasyente sa pagdami tauhang may Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-ospital-nilimitahan-pagtanggap-ng-pasyente-sa-pagdami-tauhang-may-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-ospital-nilimitahan-pagtanggap-ng-pasyente-sa-pagdami-tauhang-may-covid)