Sumakabilang-buhay na si Dr. Ma. Victoria “Marivic” Carpio-Bernido, ang isa sa tumanggap ng Ramon Magsaysay award noong 2010, ayon sa anunsyo ng kanyang pamilya noong Linggo.

Siya ay pumanaw sa edad na 60.

Ayon sa kanyang pamangkin na si Vigile Marie Fabella, sumuko si Bernido sa kanyang pakikipaglaban sa metastatic colon cancer habang naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Makati.

Sumailalim na sa surgery si Bernido noong 2020 at idineklarang cancer-free ngunit noong Hulyo 2021 ay nag-metastasize umano ang kanyang cancer, dahilan para ibalik siya sa gamutan.

“When she was about to have her seventh chemotherapy session, she became critically ill and had been in the hospital since the end of November 2021,” saad ni Fabella.

Kinilala ng Ramon Magsaysay award si Bernido noong 2010 dahil sa kanyang pagsisikap na makapagturo ng physics sa mga liblib na lugar sa bansa. (MJD)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post 2010 Ramon Magsaysay awardee pumanaw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2010-ramon-magsaysay-awardee-pumanaw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2010-ramon-magsaysay-awardee-pumanaw)