Sa unang linggo ng pagpapatupad ng election gun ban ay naaresto ang 25 na indibiwal na lumabag sa Cebu, ayon sa Police Regional Office 7 nitong Miyerkoles.

Bukod sa mga lumabag, nitong Enero 9 hanggang 18, narekober din ang mga hindi rehistradong baril, granada, at iba pang nakamamatay na armas.

Samantala, nasa kabuuang 1,615 checkpoints naman ang inilagay sa iba’t ibang bayan at munisipalidad sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Brig. Gen. Eduardo Vega, hepe ng PRO 7, ang mga checkpoint at presensya ng pulisya ay mananatili hanggang sa huling araw ng election gun ban.

“We will closely monitor situations and election-related activities in Central Visayas round-the-clock through our REMAC. Rest assured checkpoints are conducted following the standard operating procedure of the PNP and IATF guidelines on minimum public health protocols,” ani Vega. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post 25 lumabag sa ‘gun ban’ arestado sa Cebu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/25-lumabag-sa-gun-ban-arestado-sa-cebu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=25-lumabag-sa-gun-ban-arestado-sa-cebu)