Nagsama-sama ang 28 mambabatas sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Jay Velasco sa paghahain ng resolusyon upang ipaabot ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng national artist na si Francisco Sionil Jose.

Kinilala sa resolusyon ang mga nagawa ni Jose sa larangan ng literatura na hindi lamang kinilala sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ayon kay Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, chairperson ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts si Jose ay isa sa ipinagmamalaking anak ng Pangasinan.

Si Jose ay pumanaw sa edad na 97 noong Enero 6. Siya ay ipinanganak sa Rosales, Pangasinan, kung saan ang setting ng marami sa kanyang mga ginawang kuwento.

Matapos ang World War II, pumasok siya sa University of Santo Tomas at hindi nagtagal ay nagsulat kaugnay ng kalagayan ng buhay ng mga ordinaryong Pilipino sa layuning mapabuti ito.

Lima sa mga isinulat ni Sionil ay nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Ito ang The God Stealer noong 1959, Waywaya noong 1979, Arbol de Fuego (Firetree) noong 1980, ang nobelang Mass noong 1981, at ang essay na may titulong A Scenario for Philippine Resistance noong 1979.

Siya ay nanalo rin ng iba’t ibang parangal. Noong 2001 ay iginawad sa kanya ng gobyerno ang prestihiyosong National Artist for Literature. (Billy Begas)

Abantelliling with Ritz Azul

The post 28 mambabatas naghain ng resolusyon para makiramay sa pamilya ni F. Sionil first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/28-mambabatas-naghain-ng-resolusyon-para-makiramay-sa-pamilya-ni-f-sionil/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=28-mambabatas-naghain-ng-resolusyon-para-makiramay-sa-pamilya-ni-f-sionil)