Nasawi ang apat na preso habang sugatan ang 33 na iba matapos magkaroon ng riot sa loob ng Caloocan City Jail nitong Lunes, Enero 10.

Nagkaroon ng away sa pagitan ng dalawang gang dahil sa isang laro, ayon sa ulat sa Unang Balita.

Ayon kay Jail Superintendent Xavier Solda, naglalaro umano ang Commando Gang at Sputnik Gang ng cara y cruz hanggang sa magkapikunan ang mga ito na nauwi sa gulo.

Namatay ang apat dito habang isinugod sa ospital ang mga sugatan upang magpagaling.

Samantala, ininspeksyon din ng mga awtoridad ang mga selda upang matiyak na walang nakatagong armas ang mga bilanggo. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post 4 sawi, 33 sugatan sa riot sa Caloocan City Jail first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4-sawi-33-sugatan-sa-riot-sa-caloocan-city-jail/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4-sawi-33-sugatan-sa-riot-sa-caloocan-city-jail)