Nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na suspek na sangkot sa mga nawawalang pera noong Disyembre sa BDO Unibank Inc.

Dalawang Nigerian national ang arestado sa isang operasyon sa Pampanga, ayon sa 24 Oras.

“Ang involvement nila is to synchronize ‘yong movement ng members ng group. Ino-open nila ang account, sila ang nagpapa-falsify ng mga dokumento tapos ‘yong mga downloaded amounts o downloaded cash, sila ang nagko-consolidate from different downloaders at sila rin ang nagbibigay ng payoff,” pahayag ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo.

Habang sa hiwalay na operasyon, isa pang suspek na namamahala sa pag-download ng pera mula sa system ang nasakote sa Pasig.

Samantala, naaresto naman sa Maynila ang ikaapat na suspek na lumikha ng computer program para sa hacking.

Kasalukuyang pinagsasama-sama ng NBI ang lahat ng ebidensya bago magsampa ng kaso laban sa mga indibidwal. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post 4 suspek sa mga nawalang pera sa BDO nalambat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4-suspek-sa-mga-nawalang-pera-sa-bdo-nalambat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4-suspek-sa-mga-nawalang-pera-sa-bdo-nalambat)