New York – Itinalaga ng bagong mayor ng New York City na si Eric Adams ang isang Pinay bilang deputy mayor ng isa sa pinakamalaking siyudad sa buong mundo.
Maglilingkod bilang deputy Mayor ang Filipina American na si Maria Torres-Springer na siyang mangangasiwa sa economic and work force development ng New York City
Si Maria Torres-Springer ay anak nila Manuel at Elsa Torres na tubong Pampanga at Batangas na nag-migrate sa Amerika
Nakapagtapos ng bachelor’s degree in ethics, politics and economic sa Yale University at master’s degree in public policy sa Harvard Kennedy School.
Unang naglingkod si Torres-Springer sa New York City bilang commissioner ng Department of small Business Services.
Pinamununa din niya ang NYC Department of Housing Prevention and Development sa ilalim ng dating mayor ng New York City.
Ayon kay Torres-Springer ang kahirapan na naranasan ng kanilang pamilya ang kanyang naging inspirasyon para marating niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
Iniaalay niya ito sa kanyang mga magulang na sumuporta at umalalay sa kanya noong nabubuhay pa ang mga ito.
Kwento ni Maria, kinailangan ng kanyang mga magulang na magtriple job para matustusan ang kanilang pangangailangan para ma ka-survive sa buhay sa Amerika.
Buong pusong pinagmamkalaki ni Maria ang kulturang Pinoy na humulma sa kanya para maging matatag at mabuting tao.
Si Maria na 44-na-taong gulang ay nakapag -asawa ng Jewish American na si Jemie kung saaan nabiyayaan sila ng dalawang anak.(Dave Llavanes Jr.)

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/44-anyos-pinay-bagong-new-york-deputy-mayor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=44-anyos-pinay-bagong-new-york-deputy-mayor)
0 Mga Komento