Limang kalalakihan mula Bulacan ang naiulat na nawawala matapos umanong pumunta sa Batangas para sa sabong dalawang linggo na ang nakakaraan.
Dalawa sa mga biktima ang kinilala bilang sina Edgar Malaca at Alexander Quijano, pawang mga residente ng Calumpit, Bulacan.
Ayon sa ulat ng 24 Oras noong Linggo, sinundo ang mga biktima ng isang puting van noong Enero 6.
Batay sa testimonya ng kapatid ni Malaca, nagpaalam itong pupunta sa Lipa, Batangas para sa sabong.
Nakontak pa umano sila nito kinabukasan para kumpirmahing nakarating na sila sa Batangas.
“Talo daw po ‘yung lahat ng nilaban nilang manok. Tapos sabi niya do’n sa kausap niya na kaibigan namin, magpapahinga lang daw siya at may laban pa daw sila kinabukasan,” kwento pa ng kapatid ni Malaca.
Ngunit noong Enero 8, hindi na makontak ang limang sabungero.
Nakita naman ang van na nagsundo sa kanila noong Enero 9 sa Calumpit, ngunit ang mga gamit na lang ng mga biktima ang nasa loob nito.
Kaya naman nanawagan ang mga kaanak ng biktima na ipagbigay alam ang kinaroroonan ng mga ito. (MJD)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-kelot-dumayo-batangas-para-sa-sabong-naglaho/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-kelot-dumayo-batangas-para-sa-sabong-naglaho)
0 Mga Komento