Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasailalim sa Alert Level 3 ng anim na probinsya.

Ayon kay acting spokesperson Karlo Nograles, ang anim na probinsya ay ang Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi at Sulu.

Magsisimula ang pagtaas ng alert level sa Enero 28 hanggang Pebrero 15.

Samantala, matatapos na ang Alert Level 3 sa Metro Manila sa darating na Enero 31.

The post 6 probinsya inilagay sa Alert Level 3 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-probinsya-inilagay-sa-alert-level-3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-probinsya-inilagay-sa-alert-level-3)