Umukit ng kasaysayan ang Philippine women’s football team matapos gibain ang Taiwan via penalty shootout nitong Linggo upang umabante sa semifinals ng AFC Women’s Asian Cup.

Dahil sa panalo, garantisado na ang pwesto ng Pilipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup – ang unang beses na nangyari ito sa kasaysayan ng bansa.

Nagtapos ang laro sa iskor na 1-1, kasama na ang extra time, kaya’t kailangan ang penalty shootout upang malaman ang mananalo.

Sa shootout ay namayani na ang Pinay goalkeeper na si Olivia McDaniel nang maisalba nito ang dalawang tira ng Taiwan.

Kaya naman, umangat ang mga Pinay sa shootout, 4-3, at naibulsa ang makasaysayang panalo.

Hindi pa tapos ang kampanya ng Pilipinas sa AFC Women’s Asian Cup dahil maaari pa nilang pagandahin ang kanilang kampanya sa torneo sa pagharap sa South Korea sa semifinals sa Huwebes.

Si Quinley Quezada ang nakapasok ng nag-iisang goal ng ‘Pinas sa 49th minute, na sinagot ni Zhuo Li Ping sa 82nd minute.

Wala nang naka-score sa magkabilang koponan hanggang sa umabot na ito sa penalty shootout. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Abante babae! Women’s football team ng ‘Pinas swak sa World Cup first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abante-babae-womens-football-team-ng-pinas-swak-sa-world-cup/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=abante-babae-womens-football-team-ng-pinas-swak-sa-world-cup)