Hinatulan ng Twitter ng permanent suspension ang official account ng social media influencer na si Jam Magno.

Si Jam mismo ang nagbahagi ng naturang balita nitong Lunes sa kanyang Facebook post.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN?” saad ni Jam.

Ang tinitingnan niyang anggulo sa pagkakasuspinde ng kanyang Twitter account ay ang kanyang pagiging pro-Marcos.

“Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am soooooo confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” aniya.

Ayon naman sa pahayag ng Twitter na siyang ibinahagi rin ni Jam, lumabag umabo ang social media influencer sa kanilang patakaran.

Kaya naman, nasa read-only mode lang ang Twitter account ni Jam kung saan hindi siya maaaring mag-post, mag-retweet o mag-like ng anomang content sa naturang social media site.

Hindi rin umano siya makakagawa ng mga bagong account. (MJD)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Account ni Jam Magno tsugi sa Twitter: ‘How on earth did this happen?’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/account-ni-jam-magno-tsugi-sa-twitter-how-on-earth-did-this-happen/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=account-ni-jam-magno-tsugi-sa-twitter-how-on-earth-did-this-happen)