Binira ng Akbayan Party-list si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. kung saan hinalintulad siya sa isang ‘bulakbol na estudyante’ dahil sa pag-ayaw sa interview ng isang TV network.

Kinuwestiyon ni Akbayan Partylist First Nominee Perci Cendeña si Marcos Jr, na paano daw ibabangon ang bansa kung sa simpleng panayam lang ay nagtatago na.

“Si Bongbong ay para pa rin isang bulakbol na estudyante; gustong pumasa kahit hindi nagre-recite at pumapasok sa klase. Ayaw mag-recite dahil tiyak na mangangamote,” lahad ni Cendeña.

Paano rin daw makakaharap si Marcos sa ibang global leader kung tumatanggi ito sa pagharap sa mga botanteng Pinoy.

“If Bongbong can’t debate in front of the Filipino voters, how could he possibly handle being the Commander in Chief? How could Bongbong possibly stand up to the likes of Chinese President Xi Jinping?” giit pa ng Akbayan.

“If Bongbong can’t debate, he is too weak and cowardly to become president,” sambit pa.

Matatandaan na nag-trending ang #MarcosDuwag nang tumanggi ang dating mambabatas sa panayam ng ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’.

The post Akbayan: Marcos Jr mangangamote kaya umayaw sa interview! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/akbayan-marcos-jr-mangangamote-kaya-umayaw-sa-interview/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=akbayan-marcos-jr-mangangamote-kaya-umayaw-sa-interview)