Simpleng selebrasyon lang ang idinaos ni Alden Richards sa pagsalubong niya sa kanyang ika-30 kaarawan nitong Linggo.

Ang aktor ay nasa Lake Tahoe, California at dito na niya ginunita ang kanyang kaarawan.

Makikita sa Instagram post ni Alden ang paghawak niya sa kanyang birthday cake, habang naka-balabal sa kanya ang brown na fur blanket.


“Grateful for 30 fruitful years. Thank you for all the greetings. GOD has always been so good,” saad ni Alden sa kanyang post.

Sinalubong naman ng mga pagbati si Alden mula sa kanyang kapwa celebrity.

“Happy Birthday Mamen,” saad ni Ryan Agoncillo.

“Happy birthday Aldenatics!! All the best,” komento naman ni Allan K.

“Happy birthday Tito Alden!!,” pagbati ni Megan Young. (mjd)

The post Alden simple lang pagsalubong sa ika-30 birthday first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alden-simple-lang-pagsalubong-sa-ika-30-birthday/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alden-simple-lang-pagsalubong-sa-ika-30-birthday)