Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na pinag-uusapan ang posibilidad na ilagay sa mas mahigpit na Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR).

Hindi pa aniya nakikita ng IATF na isailalim muli ang Metro Manila sa enhanced community quarantine ngunit mayroong pag-uusap tungkol sa pagtataas ng alert level sa Metro Manila.

“I checked with the IATF at this point in time there is no move to ECQ. We are towards at Alert level 3. There are talks about Alert Level 4,” lahad ni Concepcion sa panayam sa One News.

Nasa Alert Level 3 sa ngayon ang Metro Manila hanggang Enero 15 dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID pagkatapos ng holiday.

Sa nasabing classification, ilang establisyimento ang pinapayagang magbukas sa maximum na 30% indoor capacity.

Kabilang naman sa bawal magbukas sa ilalim ng Alert Level 4 ang mga sinehan.

The post Alert Level 4 sa Metro Manila nakaamba first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alert-level-4-sa-metro-manila-nakaamba1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alert-level-4-sa-metro-manila-nakaamba1)