May ilang payo ang sikat na streamer na si Alodia Gosiengfiao sa mga nais pasukin ang pagiging streamer, na siyang paraan para kumita ang mga taong mahilig sa mga computer o mobile game.
Si Alodia ay isa sa pinakasikat na streamer sa Pilipinas, kung saan ilan sa mga nilalaro niya sa kanyang stream ang League of Legends at Mobile Legends.
Kapalit ng maraming viewers ang magandang kita para sa mga streamer.
Kaya sa isang throwback episode ng ‘Bawal Judgmental’ segment ng Eat Bulaga, may payo si Alodia sa mga nais maging streamer.
“Actually yung pag-i-stream is pwede sa lahat. Nag-adjust na rin ‘yung iba pang platforms meron sa Instagram, meron sa TikTok, YouTube, sa Facebook, at sa Twitter. Lahat ‘yun iba’t ibang format,” wika ni Alodia.
“May 2 reasons siguro kung bakit ka pinapanood, it’s either pro-player ka or pwede rin dahil sa entertainment value na pino-provide mo sa kanila,” dugtong pa niya. “So pwedeng comedian ka or nagko-cosplay ka or mayroon kang itinuturo na values or like how to set-up your stream.”
“For fellow gaming streamers, or the ones who want to start, enjoy niyo lang and make sure you have fast Internet para makalaro kayo nang maayos,” dagdag pa ni Alodia.
Bukod sa pagiging streamer, kilala rin si Alodia sa pagiging cosplayer. (MJD)
‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alodia-sa-mga-gusto-maging-streamer-make-sure-you-have-a-fast-internet/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alodia-sa-mga-gusto-maging-streamer-make-sure-you-have-a-fast-internet)
0 Mga Komento