Magbabalik sa loob ng boxing ring si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa darating na Pebrero upang itaya ang kanyang korona laban sa pambato ng Argentina na si Fernando Martinez.

Ayon sa mga ulat, sa Pebrero 5 o Pebrero 19 maaaring idaos ang laban sa Gila River Arena sa Glendale, Arizona, USA.

Huling lumaban si Ancajas noong Abril 2021 kung saan matagumpay niyang nadepensahan ang korona laban kay Jonathan Rodriguez ng Mexico via unanimous decision.

Nakatakda sanang lumaban ang Pinoy nitong nakaraang Disyembre laban kay Kazuto Ioka ng Japan ngunit ‘di natuloy ang laban dahil sa paghihigpit ng Japan sa pagpasok ng mga dayuhan dulot ng pangamba sa COVID-19.

Dala ni Ancajas ang 33-1, 22 KOs na kartada, habang wala pang talo sa 13 laban si Martinez. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Ancajas idedepensa titulo sa Pebrero first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ancajas-idedepensa-titulo-sa-pebrero/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ancajas-idedepensa-titulo-sa-pebrero)