Ibinida ng singer na si Angeline Quinto ang kaniyang baby bump sa social media.
Sa Instagram, ibinahagi ni Angeline ang kaniyang larawan kung saan makikita ang kaniyang lumalaking tiyan.
Ito ang teaser photo para sa kaniyang YouTube vlog.
“Hello mga ka twinkle!!! A few weeks ago, nagtanong ako sa inyo ng mga questions niyo regarding my pregnancy. Kaya sa vlog na ito susubukan kong sasagutin lahat ng mga tanong niyo. Exciting to kasi marami din ako talagang gusto i share sa lahat about my pregnancy,” caption nito sa Instagram.
Sa nasabing vlog naman ng singer, nag-update siya sa kaniyang fans tungkol sa kalagayan ng kaniyang pagbubuntis.
Kwento pa niya, minsan ay nahihirapan siya dahil masyado umano siyang nahilig sa balut, penoy, at lumpiang toge kahit madaling araw na.
“Walang oras yung bigla-bigla kong maiisip na gusto ko ng penoy at saka balut. Gusto ko sa penoy yung medyo basa. Ayoko kasi nung penoy na parang itlog na pag naluto, e,” kwento nito.
“Minsan naman, ang nangyari sa akin, ala-una ng madaling araw gusto ko kumain ng lumpiang toge. Di ba mahirap? Saan ka naman hahanp ng lumpiang toge at balut ng ganung oras?” dagdag pa nito.
Samantala, matatandaang noong Disyembre 2021, inamin ni Angeline kay Boy Abunda na siya ay nagdadalang-tao.
(Sherrylou Nemis)
Abantelliling with Ritz Azul
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angeline-ibinida-baby-bump/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=angeline-ibinida-baby-bump)
0 Mga Komento