Sumalang na sa operasyon para sa kanyang tuhod si Gilas Women basketball team stalwart Jack Danielle Animam na nagtamo ng ACL at MCL injuries.

Isang larawan ang ibinahagi ni Animam sa kanyang Instagram story Huwebes suot ang isang hospital gown at nagsabing “Let’s get this done.”

“A totally different outfit for me,” hirit pa ng 23-year-old Pinay hooper.

Huling lumaro ang 6-foot-3 Aplayer kasama ang Radnicki Kragujevac sa sa 16th First Women’s Basketball League of Serbia 2021-22, pero nagpaalam sa koponan dahil sa nasabing injury.

Pumoste siya ng average na 20.0 points at 14.3 rebounds sa walong games sa European league.

The post Animam salang na sa operasyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/animam-salang-na-sa-operasyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=animam-salang-na-sa-operasyon)