Namatay ang apat na suspek sa pambobomba sa isang pampasaherong bus sa North Cotabato matapos ang engkwentro laban sa mga sundalo nitong Sabado.

Matatandaang nitong Martes, Enero 11, nangyari ang pambobomba sa isang bus sa bayan ng Aleosan sa unang distrito ng North Cotabato, na pumatay sa limang taong gulang na bata na at sugatan ang anim na iba pa.

Ayon sa commander ng Army’s 6th Infantry Division na si Major Gen. Juvymax Uy, namatay sa engkwentro si Norodin Hassan, na isang matataas na opisyal ng Dawlah Islamiya terror group, at ang kanyang mga alipores na sina Abdonilla Hassan Abdunhaq Hassan.

Inaalam pa ng mga intelligence agent ng Army at police ang pagkakakilanlan ng ikaapat na suspek na namatay din sa shootout.

“We have validated reports stating that these men pulled off the bombing of a unit of the Mindanao Star Bus five days ago in Aleosan municipality,” ani Uy.

Samantala, ang Dawlah Islamiya ay kilala sa pambobomba sa mga establisyimento at pampublikong sasakyan kapag tumatangging magbigay ng “protection money” ang mga may-ari.

The post Apat na suspek sa pagbomba ng bus sa North Cotabato nasawi first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/apat-na-suspek-sa-pagbomba-ng-bus-sa-north-cotabato-nasawi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=apat-na-suspek-sa-pagbomba-ng-bus-sa-north-cotabato-nasawi)