Minamadali ng NorthPort ang pagdating sa bansa ng bagong import na si James Gurley Artis para sa resumption ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elims sa unang linggo ng Pebrero.

Nakakuha na ng visa ang 29-year-old cager at inaasahang lalapag sa Linggo para palitan ang napilayan sa thod na si Cameron Forte. Pero dadaan sa mandatory quarantine na health protocol sa bansa si Artis.

Kasama ang AO Ionikos Nikajas sa Greek Basketball League, pumoste ang American ng average na 7.0 points, 2.5 rebounds, at 1.3 assists per game.

Samantala, tinitignan naman ni PBA Willie Marcial na magkaroon ng 10-day scrimmage ang 12 team bago magbalik ang dribulan sa Govs’ Cup. (Abante TONITE Sports)

The post Artis pinalit kay Forte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/artis-pinalit-kay-forte2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=artis-pinalit-kay-forte2)