Sinagot na ng aktor na si Markki Stroem kung ano ang totoong relasyon nila ni Marvin Agustin at Piolo Pascual.

Sa “Cristy Ferminute” nilinaw ng aktor ang namamagitan sa kanila ni Marvin.

Matatandaan kasing namataan ang dalawa na magkasama. Nakahilig pa sa kaniya ang natutulog na si Marvin habang siya naman ay malaki ang pagkakangiti.

Ayon kay Markki: “Si Marvin friend ko ‘yun, hanggang ngayon friend pa rin kami.

“And in my opinion, it is our world, we can be friends with whatever we want to be and minsan were good friends, minsan hindi masyadong good friends, minsan hindi na kami okay, minsan okay pa kami in terms of relationship with different people,” paliwanag ni Markki.

Hindi na rin nag-alinlangan pa si Cristy at tinanong na rin kung ano naman ang relasyon ng aktor kay Piolo.

“Yeah, same management din kami so, we’re friends. Friends kami ngayon, friends din kami ni Marvin, friends din kami ng maraming mga actors but at the end of the day, let’s just say nowadays yung mga friends ko are outside of the industry,” ani Markki.

Sa ngayon, wala raw pakialam si Markki kung ang tingin sa kaniya ng ibang tao ay bakla. Aniya, isipin na lang kung ano ang gusto isipin tungkol sa kaniya.

“Isipin n’yo na lang kung anong gusto ninyong isipin, at the end of the day wala na akong paki to be honest sa mga sinasabi ng mga tao. That’s why probably hindi ako nananalo ng award kasi sobrang straightforward akong tao, eh,” pahayag ni Markki.

Sa katunayan nga raw ay mas napupukaw ng mga transman ang kaniyang atensyon, lalo na umano kapag nanonood ng porn ay transman ang hinahanap niya.

“Sa ngayon transman. For some reason for example pinag-usapan natin porn minsan ‘yan ang hinahanap ko. Interestingly enough ‘yung pinaka-biggest crush ko is a transman, babae na naging lalaki,” saad ni Markki.

(Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Attracted sa transman? Markki Stroem nilinaw relasyon kay Marvin Agustin, Piolo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/attracted-sa-transman-markki-stroem-nilinaw-relasyon-kay-marvin-agustin-piolo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=attracted-sa-transman-markki-stroem-nilinaw-relasyon-kay-marvin-agustin-piolo)