Dismayado ang dating beauty queen na si Maggie Wilson matapos niyang madiskubre ang kasalukuyang halaga ng antigen test kit sa Pilipinas.

Kwento ni Maggie sa kanyang Instagram story, naghanap siya ng mabibilhan ng antigen test kit para sa kanyang kaibigan na naka-base sa UK.

Ngunit nagulantang umano siya nang malaman niya na dumoble na ang halaga nito dahil na rin sa mataas na demand.

“So, I inquired about buying a box of antigen test kits for a friend who’s based in the U.K. for her family, here in the [Philippines]. The prices of a box of [20 to 25] kits have now doubled,” kwento ni Maggie. “It’s disgraceful how the people who are selling them are taking advantage of the situation and upping the prices due to demand. Greed!”

Binuking din ni Maggie na nasa P10,000 kada isang box ang halaga ng test kit na kanyang nalaman.

Kaya bukod sa mga nanamantalang supplier, ikinalungkot din ni Maggie kung bakit hindi kaya ng pamahalaan na magbigay ng mga libreng test kit.

“It’s even more disgraceful that our government doesn’t offer them for free,” dagdag pa niya. “In the U.K., anyone can walk in to a pharmacy and ask for a box of [lateral flow] test kit for free. Each kit even has a QR code where you can scan and register your results on the National Health Service website.”

The post Bakit ‘di gawing libre? Maggie Wilson umangal sa mahal na COVID test kit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakit-di-gawing-libre-maggie-wilson-umangal-sa-mahal-na-covid-test-kit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakit-di-gawing-libre-maggie-wilson-umangal-sa-mahal-na-covid-test-kit)