Ilang senador ang napahanga sa chairman at standard-bearer ng Partido Reporma na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa naganap na presidential interview sa GMA-7 at ABS-CBN.

Ayon sa mga kapwa senador handang-handa si Lacson base pa lang sa kaniyang mga naging sagot.

Pahayag ni Senator Sonny Angara sa Politiko: “He was well-prepared and well-researched; similar to how he is in the Senate during debates on the budget and other legislation.”

Sinabi naman ni Senator Joel Villanueva na base sa panayam ay makikita na si Lacson ang may pinakamalawak na karanasan sa pulitika.

“Kapansin-pansin ang pagiging batikan at malawak na experience ni Sen. Ping sa larangan ng pulitika. Makikita mo rin po ‘yung kanyang kalmado at preparadong pagsagot sa lahat ng ibinato sa kanyang tanong, kahit pa tungkol sa mga isyu laban sa kanya. Lumabas po sa interbyu ang Sen. Ping na aking nakilala at hinahangaan,” ani Villanueva.

Samantala, inilarawan ni dating Senador JV Ejercito si Lacson bilang isang “no-nonsense kind of a person.”

“Sen. Lacson is really a no-nonsense kind of a person. He will tell you straight about things as he sees it. Walang palabok sa pagsasalita at direcho kung ano ang sa isip niya. Have high respects for this person since he was a police officer until he became a senator,” saad ni Ejercito.

Lumahok si Lacson sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” ng GMA Network at “The Presidential One-on-One Interviews with Boy Abunda” ng ABS-CBN.

(Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Batikan! Angara, Villanueva, Ejercito hinangaan si Lacson sa presidential interview first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batikan-angara-villanueva-ejercito-hinangaan-si-lacson-sa-presidential-interview/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batikan-angara-villanueva-ejercito-hinangaan-si-lacson-sa-presidential-interview)