Ipinakita ng isang residente sa Barangay Malcampo, Roxas, Palawan ang timba na naglalaman ng pagkain, tsinelas, damit at iba pang pangunahing pangangailangan na hatid ng BRAVE Movers, ang volunteer at supporter group ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Nitong Sabado, sa pangunguna ni retired Lt. Col. Alejo Acosta ay namahagi ng relief goods ang BRAVE Movers sa 200 pamilya sa nasabing komunidad na biktima rin ng pananalasa ng bagyong ‘Odette’ noong Disyembre.

Isinagawa ito upang maipagpatuloy ng grupo ng mga supporter ni Lacson ang kanyang adhikain na matahimik na tumulong sa mga nangangailangan kahit pa tapos na ang kalamidad. Patunay lamang ito na hindi totoo ang pinapalabas na impormasyon na kulang sa gawa ang standard-bearer ng Partido Reporma.

The post Bayanihan ng BRAVE Movers ni Ping first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayanihan-ng-brave-movers-ni-ping/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bayanihan-ng-brave-movers-ni-ping)