Nilantad ng National Bureau of Investigation na hindi lang pala BDO Unibank ang tinarget ng grupong ‘Mark Nagoyo’.

Lahad ni NBI cybercrime division head Victor Lorenzo, isa pa umanong bangko ang nasa listahan ng mga hacker.

“May nakuha kaming information na mayroon na naman silang tatargetin na isang bank, kaya nga nakapag-schedule na kami dun sa bangko na yun na mag-discuss kami,” wika ni Lorenzo sa TeleRadyo.

“At least yung nalaman namin, ma-discuss namin para magkaroon sila ng process review doon sa security nila,” aniya pa.

Samantala, bukod sa limang nahuling sangkot sa hacking, may ilan pang suspek ang hinahanap ng NBI.

“Ang maganda ho naman du’n, kilala na natin sila. Dati kasi mga pseudonym lang, mga fake account. ’Yun lang pakilala nila. Pero sa ngayon, at least kilala na natin sila. It’s only a matter of time,” aniya pa.

Umabot sa 700 kliyente ang nakuhaan ng pera sa naturang hacking sa BDO.

The post BDO hacker target iba pang bangko – NBI first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bdo-hacker-target-iba-pang-bangko-nbi1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bdo-hacker-target-iba-pang-bangko-nbi1)