Viral sa China ang kwento ng isang babae na inabutan ng lockdown sa mismong bahay ng kanyang ka-blind date.

Ayon sa ulat ng BBC, sa Chinese social media platform na WeChat ikinuwento ng babaeng kinilalang si Ms. Wang ang kakaibang karanasan.

Aniya, tumatanda na siya kaya nangamba na ang kanyang mga magulang sa kanyang buhay pag-ibig. Kaya naman, nagreto ito sa kanya ng 10 blind date.

Sa pang-limang blind date, inimbitahan na siya sa tahanan ng lalaki sa Zhengzhou City.

Ngunit matapos ang kumain sa bahay ng lalaki, bigla na lang isinailalim sa lockdown ang naturang lugar.

Kwento ni Wang sa local media noong Linggo, apat na araw na siyang nasa bahay ng lalaki at hindi rin ito nakabuti para sa sana’y relasyon nila.

Gayunman, hindi naman umano siya pinabayaan ng lalaki at pinagluto naman ng kanyang makakain.

Hanggang ngayon, ‘di pa malinaw kung nakauwi na si Wang. (MJD)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Bebot inabutan lockdown sa bahay ng ka-blind date first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bebot-inabutan-lockdown-sa-bahay-ng-ka-blind-date/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bebot-inabutan-lockdown-sa-bahay-ng-ka-blind-date)