Patay ang isang 54-anyos na babae matapos masunog ang isang residential area sa Parañaque City nitong noong Sabado.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasawi bilang si Evelynn Chiong.

Ang tahanan umano ni Chiong sa Multinational Village, Barangay Moonwalk sa nasabing lungsod ay naabo sa sunog na idineklarang nasa alert level one dakong alas-10:54 ng gabi noong Sabado.

Naapula ang apoy dakong alas-11:29 ng gabi.

Iniimbestigahan pa naman ang sanhi ng sunog, na tumupok sa ari-ariang aabot sa P200,000 ang kabuuang halaga.

Bukod kay Chiong, wala nang naitalang sugatan o nasawi ang BFP dahil sa naturang pangyayari. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Bebot nalitson sa sunog sa Parañaque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bebot-nalitson-sa-sunog-sa-paranaque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bebot-nalitson-sa-sunog-sa-paranaque)