Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation at permit ng Berjaya Makati Hotel bilang multiple-use hotel kaugnay ng kapabayaan nito sa naging paglabag ni Poblacion girl sa kanyang mandatory quarantine noong Disyembre.

Sa Berjaya hotel dapat mamamalagi si Poblacion girl o Gwyneth Anne Chua para sa kanyang mandatory quarantine, ngunit dahil umano sa mga koneksyon ng babae ay nakalabas ito at naki-party sa Makati, dahilan para makahawa siya ng COVID-19.

Bukod sa suspensyon, pinatawan din ng multa ang Berjaya katumbas ng dalawang beses na halaga ng pinakamahal nitong kwarto.

Una ng humingi ng tawad ang pamunuan ng hotel sa naging kapabayaan nila sa naturang pangyayari.

Bukod pa rito, limang empleyado ng Berjaya ang dawit sa kaso ni Poblacion girl.

The post Berjaya hotel sinuspinde, pinagmulta ng DOT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/berjaya-hotel-sinuspinde-pinagmulta-ng-dot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=berjaya-hotel-sinuspinde-pinagmulta-ng-dot)