Nagpahayag ng pagkadismaya si Vivoree Esclito dahil naglipana pa rin ang mga taong mahilig gumamit ng pangalan ng iba para mang-scam.

Nabiktima na rin daw umano si Vivoree ng ganitong scam, kung saan pangalan niya ang ginamit para makapangloko ng ibang tao.

Kwento ng aktres sa online presscon ng “Click, Like, Share,” masahol ang ganitong gawain.

“Ginamit ‘yung pangalan ko to scam other people. I think it’s as worse as being scammed directly,” ani Vivoree.

Wala namang nabanggit ang aktres kung sa anong klase ng pang-scam ginamit ang kaniyang pangalan.

“Naloloko pa rin ‘yung ibang tao at ginagamit ‘yung pangalan mo. It’s very unfortunate na ginagawa ‘yun ng mga tao,” dagdag pa ni Vivoree.

Samantala, pinag-iingat naman ni Vivoree ang publiko sa ganitong uri ng modus. Aniya, ‘wag basta magbigay ng personal na impormasyon para makaiwas sa mga scammer.

“We just have to be careful din talaga not to disclose our personal information. Let’s also ask help from other people. Trace ‘yung mga taong nambiktima,” paalala nito.

(Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Biktima ng scammer! Vivoree ginamit pangalan para sa modus first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/biktima-ng-scammer-vivoree-ginamit-pangalan-para-sa-modus/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=biktima-ng-scammer-vivoree-ginamit-pangalan-para-sa-modus)