Wala pa ring nililinaw sina Carlo Aquino at Trina Candaza kung totoo nga ba ang balitang hiwalay na sila.

Umikot kasi ang espekulasyon na hiwalay na ang dalawa matapos ang cryptic post ni Trina sa kaniyang Facebook.

Nakasulat sa nasabing post: “You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya. Kung may pinupuntahan na agad na babae… Wag na kayo umasang mag babago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na yan mag babago.”

Marami ang naki-simpatya ngunit hindi rin mawawala ang mga nambabatikos.

Sabi ng isang netizen ay tila binalikan umano si Trina ng karma dahil inagaw nito si Carlo kay Angelica Panganiban.

“Karma is a bitch talaga. Ayos lang yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon nung sila pa ni Angelica eh. mas masakit talaga pag binalikan ka ng karma doble yung sakit. Worst is, may anak kayo,” comment ng basher.

Hindi naman ito pinalagpas ni Trina at sinagot ng: “huh? hindi naman sila nagkabalikan, sakin nag commit tas ang labas ako pa ang nang agaw. I kept quiet that time para kay Carlo, pero wala akong inagaw.”


(Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Binalikan ng karma! Trina binatikos ng netizen first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binalikan-ng-karma-trina-binatikos-ng-netizen/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=binalikan-ng-karma-trina-binatikos-ng-netizen)