Pinuri ni dating Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista si Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson sa naging pagsalang ng mambabatas sa presidential interview.

Ayon kay Bautista, hindi natinag si Lacson sa mga mabibigat na tanong na binato sa presidential aspirant.

“Steady and unshaken,” ayon kay Bautista, na tatakbong senador sa 2022 elections, noong tanungin ng Politiko hinggil sa mga interview kay Lacson.

Sa ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ na inere noong January 22, matapang na sinagot ni Lacson ang ilang isyu tulad ng double murder case ng Dacer-Corbito, Kuratong Baleleng, at pag-sponsor sa Anti-Terrorism Act.

Bukod pa diyan, nilatag din ni Lacson ang kanyang paninindigan sa korapsyon, patugon sa COVID-19 pandemic, isyu sa West Philippine Sea, at kampanya kontra iligal na droga.

The post Bistek bumilib kay Lacson sa presidential interview: Hindi matinag! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bistek-bumilib-kay-lacson-sa-presidential-interview-hindi-matinag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bistek-bumilib-kay-lacson-sa-presidential-interview-hindi-matinag)