Handa pa ring makipagsabayan si Bong Revilla sa mga action scene para sa season 2 ng ‘Agimat ng Agila.’

Kwento ni Bong sa virtual mediacon ng naturang palabas, tinodo niya ang pagpapakondisyon para sa mga eksena sa ‘Agimat.’

“I’m very proud of this project at magagaling talaga yung mga kasamahan ko,” kwento ng senador.

“Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo,” dagdag pa ng 55-anyos na aktor.

Ibinahagi rin niya ang mga klase ng workout na kanyang ginagawa.

“I work out almost every day. I do my boxing and kick boxing. Pati yung mga rolling-rolling na iyan, pagulong-pagulong, nandoon pa rin yung training,” aniya.

“Hindi tayo puwedeng kumawala diyan kasi lalo na sa mga ginagawa nating action scenes,” dagdag pa nito.

Ang season 2 ng ‘Agimat ng Agila’ ay muling ipapalabas sa GMA sa Enero 29. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Bong Revilla nagpa-kondisyon para sa ‘Agimat’: ‘Kailangan magpakitang-gilas’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bong-revilla-nagpa-kondisyon-para-sa-agimat-kailangan-magpakitang-gilas-1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bong-revilla-nagpa-kondisyon-para-sa-agimat-kailangan-magpakitang-gilas-1)